Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC nagpakain na, may pabaon pa sa mga stranded seaman

0 374

Kumilos na rin ang San Miguel Corporation SMC) para matulungan ang daan-daang mga seaman na kasalukuyang stranded sa Manila North Harbor at hinihintay ang kanilang clearance para makauwi sa probinsya.

Inihayag ni SMC president at chief operating officer Ramon S. Ang na simula noong Lunes, Hunyo 29, ay nagkaloob na sila ng libreng pagkain tatlong beses isang araw at tulong pinansiyal sa mga apektadong seaman.

Ito’y sa tulong aniya ng Better World Tondo, ang kanilang feeding center at food bank, na siyang naghahanda at naghahatid ng mainit pang almusal, tanghalian at hapunan para sa mga stranded seaman.

“When we learned of their plight, of having to stay and sleep at the seaport as they wait to return home, we immediately alerted our people at our Better World Tondo, our feeding and learning center there, which also operates as a food bank. We already serve daily meals and provide grocery packs to the local community, so helping out the seafarers was the natural thing to do,” sabi ni Ang.

Katulad aniya ng sinomang Pilipino, nais din ng mga kababayang seaman na makauwi na sa kanilang mga pamilya ngayong panahon ng krisis subalit kailangan nilang sumunod sa mga patakaran sa pagbiyahe kung kaya’t naisip ng SMC na tulungan ang mga ito na makakain ng maayos.

Hanggang nitong Miyerkoles, nasa 1,500 pagkain na ang hinatid ng SMC sa mga seaman. Binigyan din ng tulong pinansiyal ang mga pinayagan nang makauwi para may pasalubong sa kanilang mga pamilya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.