Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC namudmod ng 70K nutribun

0 41

Mahigit 70,000 nutribun na ang naipamudmod ng San Miguel Corporation (SMC) sa mga mahihirap na pamayanan bilang bahagi ng kanilang ayudang pagkain para sa mga Pilipino na nahihirapan sa krisis na dulot ng pandemya sa COVID-19.

Ayon kay SMC president Ramon S. Ang, mag-iisang taon na mula nang magsimula ang pandemya subalit malaking isyu pa rin ang pangangailangan sa pagkain at basic nutrition kung kaya’t patuloy ang kanilang nutribun distribution program na sinimulan noon pang Setyembre 2020.

Kabilang sa mga lugar kung saan nagrasyon ng nutribun ang SMC kada linggo ay sa mga mahihirap na pamayanan sa Malolos, Tondo, Payatas at Caloocan, na isinagawa sa tulong na rin ng mga local government unit, Diocese of Malolos, Gawad Kalinga, Philippine Business for Social Progress, Puso ng Ama, at ng mga volunteer mula sa Better World Tondo (BTWT) facility sa Maynila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.