Abante Tonite Interactive

SMC namudmod ng P23M donasyon sa mga Taal bakwit

458

Patuloy ang pagkilos ng San Miguel Corporation (SMC) para agarang mabigyan ng mga kinakailangang tulong ang mga residenteng apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa kasalukuyan, u­mabot na sa mahigi­t P23 milyong relief goods at iba pang mga donasyon ang binigay ng SMC sa mga sinalanta ng kalamidad, kabilang na rito ang mga food item katulad ng bigas, de-lata, kape, biskwit, mga itlog at iba pa.

Pinakamalaking donasyon ng mga pagkain ang binigay ng San Miguel Foods. Bukod sa mga pagkain, nagkaloob din ang SMC ng mga face mask, kutom, sleeping mat, at mga damit para sa libo-libong residente na nasa mga evacuation center at sa mga pamayanang apektado nang sumabog ang bulkan noong Enero 12.

“Our businesses are diverse, and over the past week, that has allowed us to help many people in so many different ways. We also have a lot of civic-min­ded employees who have given their time and resources to our own relief efforts. We’re committed to continu­e helping our countrymen and doing more for them,” pahayag ni SMC president Ramon S. Ang.