Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC nilibre SLEX, Skyway toll sa Bagong Taon

0 151

Magaan na makadadaan ang mga motorista sa mga tollway sa pagsalubong ng 2021.

Ito’y matapos ianunsyo sa social media account ng South Luzon Expressway (SLEX) na libre ang pagdaan sa mga tollway ng San Miguel Corporation (SMC) mula Disyembre 31, alas-10 ng gabi, hanggang Enero 1, alas-sais ng umaga.

Sakop nito hindi lang ang SLEX kundi pati ang Skyway, NAIA Expressway, Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Expressway at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Una nang inanunsyo ng North Luzon Expressway (NLEX) Corp. na libre rin ang kanilang toll sa parehong oras at araw.

Kasama rin dito ang Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite Expressway (CAVITEX) at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).(Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.