Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC: Ospital, research center itatayo ng RSA Foundation

0 52

Planong magpatayo ng state-of-the-art hospital at research center para sa mga nakahahawang sakit ang RSA Foundation na itinatag ni San Miguel Corporation (SMC) president at chief operating officer Ramon S. Ang.

Ang ospital ay ipatatayo uano sa southern part ng Luzon at layon nitong makatulong sa pagpapalakas ng health care system ng bansa para matugunan ang anumang krisis sa kalusugan.

Pagtutuunan umano ng health facility ang pagsasagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga nakahahawang sakit at magkaloob ng tulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng atensyong medikal.

“This pandemic has been an eye-opener for all of us. Our health care system needs to be strengthened. For this reason, we want to help build up our country’s capability to handle future pandemics and other health crises,” pahayag ni Ang.

“We envision this hospital to be resilient and adaptable. It will operate efficiently, improve health services, and make health care more accessible and affordable to a greater number of Filipinos,” aniya pa.

Paliwanag ni Ang, kaya mga ambulatory o outpatient lamang ang tutulungan ng health facility ito’y para mas marami ang kanilang matutulungan na pasyenteng mula sa mga “vulnerable or disadvantaged communities” na hindi naman kinakailangang maospital.

Sa nasabing ospital din aniya itatayo ang research facility na magbibigay ng suporta sa gobyerno hinggil sa mga public health concern, partikular sa mga nakahahawang sakit.

Sa nakalipas na anim na buwan mula nang ipatuapd ang enhanced community quarantine ay nangunguna ang SMC, sa pamumuno ni Ang, bilang private sector partner ng gobyerno para labanan ang COVID-19 pandemic.

Leave A Reply

Your email address will not be published.