Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC patapos na P352M pabahay sa Quezon

0 150

Malapit nang matapos ang P352 milyong pabahay project ng San Miguel Corporation (SMC) sa Sariaya, Quezon.

Sa naturang lugar tinatayo ang integrated agro-industrial complex ng SMC na inaasahang lilikha ng karagdagang trabaho at matutulungan ang mga residente ganundin ang pambansang ekonomiya na makabangon mula sa COVID-19 pandemya.

Nasa 127 pamilya na ni-relocate mula sa mga delikadong coastal area ang nakalipat na sa 5.4 hektaryang San Miguel-Christian Gayeta Homes. Marami pang pamilya ang inaasahang lilipat sa bagong subdibisyon sa mga susunod na linggo.

Bukod sa 450 unit housing complex, nagpatayo rin ang SMC ng Sariaya Fisherman’s Dock at San Miguel Market upang maging maayos ang bagong pamayanan na kanilang ipinatayo para sa mga ni-relocate na pamilya.

“We are building a community where people will have access to jobs and services and have the opportunity to make a difference. It’s a place that will stand the test of time, one where people of this and the future generation will want to live and work,” sabi ni SMC president at chief operating officer Ramon S. Ang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.