Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC: Purefoods hotdog `di kakapusin supply

0 223

Hindi magkakaroon ng kakulangan sa supply ng hotdog ang San Miguel Corporation (SMC).

Sa isang pahayag, sinabi ng SMC na mananatiling may supply ng mga hotdog, luncheon meat at mga de lata ng Purefoods sa mga grocery at supermarket sa kabila ng pangamba ng ilang grupong nagbabala na magkakaroon ng shortage dahil sa pagmahal ng presyo ng karne at diumano’y paghihigpit sa pag-aangkat nito.

SM food to go Banner Ad

Sabi ni SMC president Ramon S. Ang, nagsumikap ang SMC para masiguro ang supply nito ng mga raw material kaya’t pinalawak nila ang pinagkukuhanan at ginawa ring flexibile ang produksiyon.

Naniniwala ang SMC na mabilis nitong nai-adjust ang produksiyon ng San Miguel Foods dahil sa pagbabantay at pagsusuri sa nangyayari sa merkado kaya’t kumpiyansa ang kompanya na tuloy-tuloy ang supply ng Purefoods sa merkado. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.