Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC-TPLEX paaabutin sa San Juan, La Union

0 330

Plano ng San Miguel Corporation (SMC) na pahabain pa ng 59 kilometro ang Tarlac, Pangasinan, La Union Expressway (TPLEX) para mapadali ang biyahe papunta sa bayan ng San Juan na sikat na destinasyon para sa mga surfer.

Binuksan ng SMC kahapon ang huling 11 kilometrong bahaging bubuo sa 89.21 kilometrong, four lane na TPLEX at bibilis at mapapadali na ang biyahe papunta at pabalik sa Northern Luzon mula sa Metro Manila na inaasahang magpapasigla sa ekonomiya sa lugar.

Sa isang pahayag, sinabi ng SMC na binigyan na ito ng original proponent status sa pinaplanong pag-extend ng 59 kilometro pa ng TPLEX mula Rosario hanggang San Juan, La Union.

“Our next goal now is to extend TPLEX all the way to San Juan,” sabi ni SMC president and CEO Ramon S. Ang kahapon.

Dahil sa binuksang bahagi kahapon, magiging isang oras na lang ang biyahe mula Tarlac papuntang Rosario na dati ay inaabot ng tatlo at kalahating oras. Ang Metro Manila papuntang Baguio naman ay magiging tatlo at kalahating oras na lamang mula sa dating anim na oras. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.