Abante Tonite Interactive

Smith balik sa Blackwater

334

Sa unang pagkakata­on sa prangkisa, No. 3 seed ang Blackwater pagdating ng quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Sasabak ang Elite sa best-of-three series laban sa No. 6 team.

Lumala ang injury ng replacement import nilang si Staphon Blair sa 112-104 win kontra Alaska noong Linggo.

Tumapos pa rin si Blair ng 14 points, 10 rebounds at 4 blocks, pero mukhang ’di na makakabalik sa playoffs dahil sa hamstring strain.

Nagkabanggaan sina Blair at teammate Mike DiGregorio kontra Magnolia noong July 5, nananakit na pero inilaro pa rin at nadagdagan kontra Aces.

Tinawag ng Elite si Greg Smith na nakatakdang dumating Lunes ng gabi. Sa Sabado ang umpisa ng quarters, kaya may sapat na panahon para maayos ni Smith ang mga dokumento.

“We are very concerned with him not playing at 100 percent, kaya the decision was made last night to bring back Greg,” ani Elite coach Aris Dimaunahan.

Si Smith din ang ipinarada ng Blacwater sa parehong torneo noong 2017.
Pinalitan ni Blair si Alex Stepheson na big­laang umuwi ng US para magpagamot. Sa tatlong laro, nag-average si Blair ng 14.6 points, 13.3 rebounds at 3.3 blocks.

“Very thankful kami kay Blair dahil natulu­ngan niya kami,” dagdag ni Dimaunahan. “We won two out of three with him, pero medyo injured siya since our Magnolia game and last night nadale ulit siya.”

Galing si Smith sa paglalaro para sa Vaqueros de Bayamon na inihatid niya hanggang semifinals ng Puerto Rican League.

Sa 11 games ni Smith noong 2017, nag-average siya ng 27.7 points, tournament-best 22.09 rebounds, 4.91 assists, 1.2 steals at 1.0 block per game pero 2-9 lang ang Elite at hindi nakaabante sa next round.

Sa ganda ng inila­laro ni Smith noon ay ikinonsidera pa siya ni coach Chot Reyes na gawing naturalized player ng Gilas Pilipinas pero ‘di natuloy.
(Vladi Eduarte)