Abante Tonite Interactive

Smith, Barrett, Knox giya sa pagbabalik ng Knicks

0 186

Key players: Dennis Smith Jr., Kevin Knox, Mitchell Robinson, Frank Ntillikina, Damyean Dotson

Roster: Kadeem Allen, Ignas Brazdeikis, Amir Hinton, VJ King, Lamar Peters, Allonzo Trier, Kenny Wooten

New addition: RJ Barrett (Third pick in 2019 Draft), Ignas Brazdekis (47th pick in 2019 Draft), Julius Randle, Taj Gibson, Bobby Portis, Reggie Bullock, Wayne Ellington, Elfrid Payton, Marcus Morris

Rank: 15th

Last year’s record: 17-65

Coach: David Fizdale

Bigong makuha sina Kyrie Irving, Kevin Durant o super rookie Zion Williamson ng New York Knicks, pero ‘di ito magmumukmok na lang para sa parating na 74th National Basketball Association 2019-20 na magbubukas bago matapos ang kasalukuyang buwan.

Kulelat sa nakaraang season, walang ibang nasa kukote ang Knicks kundi ang makabawi.

Kasama pa rin si Dennis Smith, Jr. na may average na 13.6 points per game with 2.9 rebounds and 4.8 assists, asahan na mas pupukpok e pa ito para sa New York.

Makakatuwang niya si Kevin Knox, Knicks’ 9th overall draft pick sa 2018, na may average na 12.8 points per game at 4.5 rebounds per game.

Salto man kay superstars Irving at KD, nasungkit naman ng Knicks si third overall 2019 Draft pick RJ Barrett na inaasahan dagdag puwersa para sa team.

Nag-average si Barrett ng 22.6 pts per game, 4.3 assists sa collegiate league final year niya at nag-ingay pa sa NBA Summer League sa pamamagitan ng multiple double-doubles.

Kaabang-abang rin ang pitong nadagdag sa koponan na magpapasiklab sa tropa — Julius Randle, Taj Gibson, Bobby Portis, Reggie Bullock, Wayne Ellington, Elfrid Payton, Marcus Morris.

Target ng Knicks na makaahon sa record ng last season, makasampa sa playoffs at maiuwi ang kampeonato sa liga. (JAT)