Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Smoking ban hihigpitan pa

0 98

Sa gitna ng pandemya dulot ng COVID-19, pinalalahanan ang lahat ng mga police commander sa buong bansa na mahigpit na ipatupad ang smoking ban sa mga pampublikong lugar at mga terminal ng sasakyan.

“In this time of pandemic when the coronavirus targets the respiratory system, smoking is really dangerous not only to the smokers but also to non-smokers,” ayon kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Joint Task Force COVID Shield commander.

Aniya, ang mahigpit na pagpapatupad ng smoking ban ay kaugnay sa guideline ng National Task Force on COVID-19 para mapigil ang pagkalat ng virus.

Ginawa ito ni Eleazar makaraang sabihin ng mga eksperto sa kalusugan na ang mga taong naninigarilyo o nakakaamoy ng usok nito ay malapit sa impeksyon ng COVID-19 dahil mahina na ang kanilang immune system. Nakatanggap rin umano ang JTF COVID ng mga reklamo hinggil sa ilang driver at pasahero na naninigarilyo sa mga terminal, lalo na sa mga probinsya. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.