Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Smuggled sibuyas nasabat sa Subic

0 101

Naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang mga kontrabadong sibuyas sa Subic Bay Freeport.

Ito ang inanunsyo ng BOC nitong Linggo kung saan nagkakahalaga umano ang mga sibuyas ng P9 milyon.

Sinasabing dumating sa pantalan ang mga kontrabando noong Mayo 29 at idineklara bilang sariwang yel­low onion.

Ngunit matapos ang inspeksiyon, napag-alamang pulang sibuyas pala ang laman nito.

Bukod dito, wala rin daw sapat na papeles gaya ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance mula sa Bu­reau of Plant Industry ang consignee ng mga sibuyas.

Dahil dito, nahaharap sa ka­song smuggling ang consignee ng mga kontrabando. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.