Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Smuggled tablet, laptop ipamigay sa mga estudyante

0 232

Sa halip na isubasta, mas mainam na ipamigay na lang sa mga mahihirap na estudyante ang mga smuggled na cellphone, tablet at laptop na nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC), ayon kay Senador Imee Marcos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kung nagawang i-donate ng BOC ang halos 800 puslit na behikulo sa mga pulis, militar at iba pang ahensya ng gobyerno noong Hulyo, siguradong kaya rin nitong lutasin ang pag-aalala ng libu-libong mga estudyante sa pamamagitan ng pagdo-donate sa kanila ng mga kumpiskadong electronic gadgets,” sabi ni Marcos.

Aniya, sa halip na sirain o isubasta, maaaring i-donate ng gobyerno ang mga smuggled electronic device na hindi pa rin kinukuha ng mga importer matapos ang 15 araw na sila’y maabisuhan. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.