Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Smuggled yosi sumirit na sa P2.2B

0 123

Nasa P2.2 bilyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang kinumpiska ng Bureau of Customs mula May 28 hanggang July 15 ng taong ito.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Finance, kasama sa kinumpiska ang P53 milyong halaga ng sigarilyo sa ilalim ng bagong diskarte sa smuggling. Ang sigarilyo ay pinasok sa bansa mula Ningbo, China at sinubukang ipuslit sa Port of Davao.

SM food to go Banner Ad

Ang sigarilyo ay karga ng SITC Container Lines Philippines (SITC) at ang consignee o may-ari ay ang Golden Aark Enterprise. Ang mga sigarilyo ay nasa dalawang 20-foot containers na unang dumaan sa Mindanao Container Port Terminal sa Misamis Oriental at dineklarang tissue paper. Dinala naman ito sa Port of Davao ngunit hindi kasama sa listahan ng laman ang sigarilyo.

Ayon sa DOF, kinansela na ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang accreditation ng Golden Aark at kakasuhan na ito.

Ayon sa DOF, maaring kasuhan din ang SITC Container dahil sa pagtulong nito sa Golden Aark na ikubli na may sigarilyo sa shipment. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.