Abante Tonite Interactive

Smuggling ‘di maaawat sa pagwasak ng mga luxury car

By
216

Kahit ilang luxury cars pa ang ipasira ni Pangulong Duterte ay malabong matigil ang smuggling sa bansa.

Ang pinakahuling pinawasak ng Pangulo ay ang mga mamaha­ling sasakyan na pinuslit sa Port Irene sa Cagayan.

Mahigit sa 200 mil­yong pisong halaga ng mga luxury cars at big bike ang pinawasak ng Pangulo na naglala­yong ipakita sa publiko at sa mga smuggler na seryoso ang pamahalaan laban sa smuggling sa bansa.

Ayaw kasi ng Pa­ngulo na ipa-subasta ang mga kumpiskadong mamahaling sasakyan dahil ang mga smuggler din daw ang makakabili nito.

Pero marami ang nanghihinayang dito at ayon kay Senator Panfilo Lacson ay mas makakabuting ipinagamit na lang ng Pa­ngulo ang mga luxury cars sa PNP lalo na sa mga operasyon nito.

Ayon sa senador, sa mga surveillance ope­rations ng PNP at kung gagamit ng mga sports car ay hindi ito matutunugan ng mga sindikato at mas magigjng matagumpay ang pulisya.

Bagama’t preroga­tibo at sariling diskarte ito ng Pangulo pero ating iminumungkahi na ang pinakamainam na gawin upang masugpo ang smuggling sa bansa ay arestuhin, maipakulong ang mga smuggler at gayundin ang mga kasabwat na opisyal sa Bureau of Customs (BOC).

Nakalimutan na yata ng Pangulo ang kanyang naunang pa­ngako na sa BOC ay magiging madugo at may mamamatay daw sa mga sangkot sa ano­malya at smuggling.

Mas mainam na ipa­sagasa ng Pangulo sa ­pison o backhoe ang mga smuggler at BOC officials na kasabwat nito.

Kung hindi kasi masasampolan ang mga smugglers at BOC officials ay asahan ng publiko na kahit ilan pang luxury cars ang wasakin ay hindi mahihinto ang smuggling sa bansa.