Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Smuggling ng mga pasahero sa NCR Plus bistado

0 240

Ikinagalit ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang kumalat na video kung saan makikita ang isang grupo ng mga pasahero na bumaba sa isang truck at inatasang sumakay ng mga van na maghahatid sa mga ito sa Metro Manila.

Nakita pa na ilan sa mga pasahero ay walang face mask at karamihan ay wala ring face shield.

“These things must not be tolerated. Kinokompromiso nila ang buong sambayanan. Lahat ng paghihirap natin sa testing, isolation at treatment mawawala dahil dito sa kaga***uhan at kalokohan na ginagawa nito,” saad ni Tugade.

SM food to go Banner Ad

Dahil dito, nag-isyu ang Department of Transportation (DOTr) ng show cause order laban sa may-ari ng truck na nakunan sa video.

Magugunitang inilagay sa “bubble” set-up ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, na ang ibig sabihin ay mga awtorisadong tao lamang ang maaaring mag-essential travel papasok at palabas ng mga naturang lugar.

Pero ayon sa DOTr, ilang mga closed van at truck ang nagpupuslit ng mga tao patungo sa Metro Manila border kapalit ng pera. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.