Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Snatcher sapol sa ulo, utas

0 63

Patay ang isa habang arestado naman ang kasama nitong snatcher nang makaengkuwentro ang isang pulis na sumaklolo sa estudyanteng inagawan ng cellphone sa Malate, Maynila.

Namatay noon din ang suspek na si Joshua Mansal, dahil sa tama ng bala sa ulo mula sa baril ni PCpl. Symon Marasigan, ng District Traffic Management Unit ng lungsod. Habang naaresto ang kasamahan nitong si Delber Sta. Rita, 21, na tinangka umanong agawin ang baril ng pulis.

Sa imbestigasyon, alas-9:30 kamakalawa ng gabi nang agawin ng mga suspek na riding-in-tandem ang cellphone ng babaeng biktima. Nagpatulong umano ito sa mga tambay na humabol sa mga suspek. Narinig din ni Marasigan ang komosyon kaya agad itong sumaklolo.

Namataan umano nito na may kukunin si Mansal sa bitbit nitong sling bag kaya bago umano siya maunahan binaril niya ito sa ulo.

Narekober sa crime scene ang isang sling bag, android cellphone ng estudyante, apat na iba pang cellphone na hinalang nakulimbat ng mga suspek, at motorsiklo nito. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.