Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sneaker ni Queen P bumagsak kay Mela

0 424

Labis natuwa si outgoing Philippine SuperLiga (PSL) star Maria Carnela ‘Mela’ Tunay nang dumating na sa kanya ang limited edition sneakers mula kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Ibinahagi ng volleybelle sa kanyang Instagram story kahapon, na napanalunan niya ang sapatos sa pagsali sa Raffles for Heroes ng Volleyball Community Gives Back Philippines.

SM food to go Banner Ad

Layunin ng nasabing paripa na matulungan ang mga frontliner ngayong may pandemiya.

Napa-OMG din ang incoming Premier Volleyball League(PVL) veteran open hitter at hinirit na “Every girl’s dream” ang nakamit na gamit sa paa.

“More than winning, we also thank VCGB for allowing us to help our medical frontliners as well,” wakas na sambit ni Tunay. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.