Abante Tonite Interactive

Sniper ng Maute hinatulang guilty

419

Hinatulang guilty beyond reasonable doubt ng korte sa siyudad ng Quezon ang diumano’y sniper ng Maute terrorist group na si Unday Macadato alyas ‘Solaiman Omar’.
Batay sa pasya ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 92, sinentensyahan ng reclusion perpetua o hanggang 40 taon na pagkakakulong si Omar dahil sa kasong illegal possession of explosives.
Noong Mayo 2018, naaresto si Omar sa may Cubao sa Quezon City matapos iulat ng ilang residente ang diumano’y pagbabanta at pagmamayabang ng kanyang koneksyon sa teroristang Maute.
Doon ay nakumpiska ang isang hand grenade at itim na flag ng ISIS.
Kabilang si Omar sa mga sinasabing terorista na nasa Martial aw list sa Mindanao at nagsilbi rin umano itong sniper noong 2017 Marawi siege. (Lorraine Gamo)