Abante Tonite Interactive

Snooky sobrang happy sa piling ng dyowang pulitiko

Snooky
8,096

OBVIOUS na happy pa rin si Snooky Serna sa relasyon nila ni former Bulacan Vice Go­vernor Ramon Villarama dahil blooming siya nang makita namin sa press launch ng bagong primetime series ng GMA 7, ang The One That Got Away.

Hindi masasabing ang boyfriend niyang si Ramon ang TOTGA ni Snooky dahil ang nangyari nga sa kanila, dedma ang actress noong araw sa dating politician at lately nga lang sila nagkita uli at nagkaroon ng relasyon.

In fairness din, mukhang good influence rin si Ramon kay Snooky dahil mukhang mas maayos na ang buhay ngayon ng actress. Malayong-malayo na nga si Snooky sa image niya noon na parang la­ging problematic.

Wala na rin ‘yung mga intriga kay Snooky na nagigipit sa pera dahil natuto na rin siyang mag-ipon ngayon. Noon kasi, gastadora si Snooky, pero dahil daw kay Ramon, natutong mag-ipon ang aktres.

Ang dinig din namin, pati ang pamilya ni Snooky ay boto sa kanyang boyfriend ngayon!

Snooky  lumaki ang katawan

SIYANGA pala, kahit medyo lumaki ang katawan ni Snooky, ang ganda-ganda pa rin naman niyang tingnan, kaya nang magkita kami sa press launch ng The One That Got Away, biniro pa namin siya na in love.

At masaya nga si Snooky na nakasama siya sa The One That Got Away bilang nanay ni Lovi Poe. Same ma­nagement team sina Snooky at Lovi (si Leo Dominguez ang mana­ger nila), pero hindi naman masasabing pac­kage deal sila sa nasabing series. Talaga lang paborito rin ng GMA 7 na kunin si Snooky dahil ilang taon na rin naman siyang loyal sa kanila.

Sa nga­yon nga, maituturing na Kapuso talaga si Snooky.

Ang  Larawan hindi  kulelat  sa MMFF

INUSISA naman namin si Leo Dominguez tungkol sa isa pa niyang ta­lent na si Paulo Avelino. Tinanong namin si Leo kung ano ang reaction ni Paulo sa sobrang puri rito ni Lea Salonga dahil sa pelikulang Ang La­rawan na kasali sa Metro Manila Film Festival 2017.

Nasa bakasyon pa raw si Paulo, pero hindi sure si Leo kung nasa Baguio City ang actor.

Anyway, malapit na ang press launch ng Asintado ng ABS-CBN kung saan sila ni Julia Montes ang bida, kaya siguradong magpapakita na si Paulo.

Samantala, puwedeng mag-dialogue si Paulo at ang ibang mga kasama sa Ang Larawan na mali ang hula ng marami na sila ang mangungulelat sa MMFF 2017 dahil ba­litang pang-5th na sila ngayon dahil lumakas na nga sila sa box-office at nadagdagan na ang kanilang mga sinehan!

Annabelle ayaw nang makipag-away kay Ruffa

ABA, mukhang iba ang pasok ng 2018 kay Bisaya (Annabelle Rama), huh! Kahapon kasi na aba­lang-abala siya sa pagre-remind sa mga imbitado sa kasal ng sister-in-law niyang si Dingding Rama, tinanong namin siya kung invited ba sa event na ‘yon si Jordan Mou­yal na boyfriend ng panganay niyang si Ruffa Gutierrez.

Ang dialogue lang ni Bisaya, “Huwag mo na kasing isulat-sulat pa, magre-react na naman si Ruffa!”

Aba, in fairness, ayaw na ni Bisaya na nako-quote siya tungkol kay Jordan, huh!

Karla type  i-produce ang movie nila nina  Jolina, Melai

MATULOY kaya ang pangarap ni Karla Estrada ngayong 2018 na magkaroon sila ng pelikula ng kapwa niya momshies na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros?

Type raw kasi ni Karla na magkasama sila sa movie ng kanyang Magandang Buhay co-hosts. Baka si Karla nga raw mismo ang mag-produce ng pelikulang ‘yon kung walang ibang producer na magpo-produce, huh!

Aba, donya na talaga si Karla ngayon dahil can afford na rin siyang mag-produce ng pelikula, huh!