Abante Tonite Interactive

Snow sa panaginip

400

Dear Dream Catcher:

Napanaginip kong nag-snow daw. Ramdam na ramdam ko raw ang lamig at ang pagpatak ng snow sa aking­ balat. Sa totoong buhay ay hindi pa ako nakakaranas ng snow dahil dito lang ako sa Pilipinas. Ano po ang ibig sabihin ng snow sa panaginip.

Sassa

Dear Sassa:

Ang snow sa panaginip ay representasyon ng kapayapaan ng kalooban, cleansing experience at maaring isang bagong panimula. Puwede rin itong indikasyon ng second chances.

Kung sa iyong panaginip ay narerelaks ka sa pagpatak ng snow, indikasyon ito na kung may pinagdaanan kang masalimuot na senaryo sa iyong buhay ay nag-uumpisa nang makarekober ang iyong isip.

Indikasyon din ito na kung may problema kang pinagdaanan, ito’y mabibigyan mo na o maaring nabigyan mo na ng solusyon at nare-refresh mo na ang iyong sarili.

Related Posts

Kung ang nakita mong snow ay puting-puti, positibo ang panaginip na ito. Indikasyon na malinaw mong nakikita ang iyong tinatahak na landas sa buhay.

Kung nakita mo naman na halos napapaligiran ka na ng snow, indikasyon ito na naoobserbahan mo at nauunawaan ang mga kahirapan o mga mapanghamong bahagi ng iyong buhay.

Pero ang snow ay hindi laging picture perfect dahil meron din itong hindi magandang naidudulot lalo na kung natutunaw na ang yelo dahil maaari itong magdulot ng panganib. Pero kung sa iyong panaginip ay wala kang naramdamang takot at pangamba sa snow, masasabi mong positibo ang iyong panaginip.

Dream Catcher

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.