Abante Tonite Interactive

So Ji Sub at Park Shin Hye mababa ang ratings ng show

By
2,116

SA kabila ng mga mo­dernong kagamitan, technologies at gadgets, kabilang na ang digital life ng karamihan, tama ngang sabihin na ang tvN’s ‘Little House in the Forest’­ ay isang healing variety show.

Naka-focus lang ang show sa minimalism, kasimplehan ng buhay at personal itong nararanasan sa show ng South Korean actor at actress na sina So Ji Sub at Park Shin Hye sa temang ‘back to basic.’

Nagkakaroon ng immersion sina So Ji Sub at Park Shin Hye dahil sa kanilang show at sa nakaraang episode nito noong April 20, napaisip at naibahagi ng dalawa ang totoong mga bagay kung ano talaga ang nakakapagbigay ng ligaya sa kanila.

Ayon kay Shin Hye na trinanslate ng soompi.com, “I’m happy when my family and I divide into teams and go bowling, or when I go fishing with my family.”

Ipinaliwanag niya ang dahilan, aniya, “I endure difficult times with my fami­ly. The second [thing that makes me happy] are my friends.”

“Sometimes when I can’t be comforted by people, my pets comfort me. I’m happy when I feel the soft fur of my cat on my fingertips.”

Binigyang diin din niya sa naturang episode ang kaha­lagahan ng pagkakaroon ng ‘joy.’

“There are times when my confidence is low, but through the things that make me happy, I feel like I’m living a healthy life. But sometimes when I’m busy, I forget about the small joys in life and complain.”

Tila napaisip naman si So Ji Sub nang tanungin ito kung ano ang nakakapagpaligaya sa kanya. Ang ‘bed’ daw niya ang una niyang naisagot at saka sinabing, “I always try to be happy and enjoy life, but I question whether this kind of happiness is okay for me to have. I find the answer to that question difficult.

“That doesn’t mean I’m someone who feels unhappy. I don’t know if I’m being too serious about this, but I think this is something that I need to figure out in the future. I’ll continue to think about it.”

Sabi pa ni Ji Sub, “I drink with others sometimes, but I enjoy drinking alone. When I’m with others, I end up concentrating on them. But when I drink alone, I can focus solely on myself.”

Sa isang banda, kung ikukumpara ang Little House in the Forest sa ibang variety show na ginawa ni Na PD, ang director ng show sa tvN tulad ng Youn Kitchens, masasabing mas mababa ang naitalang ratings ng show na ito nina Shin Hye at Ji Sub.

Number 2 lang ito sa ra­ting noong pilot episode sa mga kasabayan time slot. Ganunpaman, masaya raw sila at hindi high ratings ang talagang hangad nila kung hindi ang maipakita sa manonood ang slow-paced, peaceful life.

Pagdating naman sa social media, halos positibo naman ang mga komento sa Little House in the Forest at kung paano nga raw nakaka-relate ang mga netizens sa tema.