Abante Tonite Interactive

So Ji Sub may dyowa na

303

tonite-annyeong-rose-garcia

Nanggulat si So Ji Sub sa kanyang mga tagahanga dahil sa nag­labasang balita. May girlfriend na ang actor!

Ang karelasyon ni So Ji Sub, 41, ay ang announcer na si Jo Eun Jung who is 17 years younger than him.

Ayon sa balita ay mahigit isang taon na raw palang nagdi-date ang mga ito. Ayon sa tsika, nag-retire na raw sa industry ang announcer. Deleted na rin daw ang mga social media account nito at gayundin sa kanyang agency.

Ang dahilan daw ng dating announcer, gusto nitong mag-focus sa kanyang school dahil ga-graduate. Maaari rin na ibang career path ang gusto niyang gawin.

Nagkakilala raw sina Ji Sub at Eun Jung nang ma-interview ng announcer ang actor sa SBS’ Night of Real Entertainment. Ito’y noong nagpu-promote siya ng pelikula niyang “Be With You.”

Ayon sa 51K Entertainment, agency ni Ji Sub, “It is true that So Ji Sub and Jo Eun Jung are dating. They are in a serious relationship. We are unable to know how long they have been dating because it is the artist’s personal life.”

Pagkatapos naman na mabunyag na ang dating life ni Ji Sub, sumulat agad ito ng letter para sa kanyang mga fan. Humingi rin ng paumanhin na hindi niya nai-reveal agad ang aspetong ito ng personal niyang buhay.

Part of his letter, Ji Sub said, “I have gained a special person in my life.”

At nangako na mas lalo pang pagbubutihin ang kanyang trabaho para sa kanyang mga tagahanga.

Kahit buwag na: 2NE1 nagdiwang ng 10th anniversary

Muling nagsama-sama ang apat na miyembro ng disbanded girl group na 2NE1 na sina CL, Bom, Minzy at Dara (Sandara Park).

Ipinagdiwang ng apat ang ika-sampung taong anibersaryo ng 2NE1. Masasabing malaki ang naiambag nila sa kung ano ang popularidad ng K-pop ngayon sa buong mundo.

Disbanded man ang 2NE1 noon pang 2016, may mga solo career man sila, hindi naman matatawaran ang pagi­ging magkakaibigan nila. Nagsusuportahan pa rin sa isa’t isa.

Noong May 17 ay nag-live sila sa kanilang Instagram account para ipagdiwang ang ika-10 years nila.