Abante Tonite
Mabilis sa Balita

So lider pa rin sa Chess Tour

0 286

Pumang-apat lang si Wesley So ng United States nang matalo sa kapwa super Grandmaster Magnus Carlsen ng Norway sa salpukan ng reigning world champions para sa third place sa virtual Meltwater Champions Chess Tour Magnus Carlsen Invitational nitong Lunes.

Yumukod ang former Philippine woodpusher at current Fischer Random chess world champion sa reigning Classical, Rapid at Blitz chess world titleholder Norwegian sa 1st at 2nd set finals via 3-1 at 2-1.

SM food to go Banner Ad

Pero lider pa rin sa sa Tour makaraan ang four legs ang Cavite-born na si So sa 140 points at $85,000 cash prizez (₱4M) sa paghahari sa Skilling Open at Opera Euro Rapid nitong November at February sa pagsilat kay Carlsen sa title matches. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.