Abante Tonite
Mabilis sa Balita

So lumapit sa Cryto Cup Last 8

0 200

Malaki ang tsansa na sumampa sa quarterfinals ni super Grandmaster Wesley So nang itarak ang limang sunod na draws sa Day 2 prelims ng online 1st Meltwatyer Champions Chess Tour 2020-21 sixth leg, FTX Crypto Cup Lunes ng gabi.

Malakas na sinimulan ng 27-year-old Cavite-born woodpusher ang kampanya nang makisalo ito sa second place noong Linggo, bago ang pakikipaghatian ng mga puntos kina GMs Peter Svidler ng Russia, US teammates Fabiano Caruana, Teimour Radjabov at Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan at Russian Ian Nepomniachtchi.

SM food to go Banner Ad

Nakalikom na si So ng anim na puntos upang manatili sa magic 8, aktuwal na nasa joint fourth.

Sina Caruana, Radjabov at GM Hikaru Nakamura ng Amerika na may 6.5 points each ang mga nasa tuktok. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.