Abante Tonite Interactive

So Mi kumalas sa JYP

235

tonite-annyeong-rose-garciaNoong Lunes, August 20, nasagot na ang kumakalat na mga espekulasyon na aalis na sa JYPEntertainment ang South Korean singe­r na si Jeon So Mi.

Ang JYP ang talent agency ni So Mi. Isa ito sa malaking agency sa South Korea. Pero last Monday, nag-release na ng statement ang JYP sa kanilang website na tine-terminate na ni So Mi ang management contract sa kanila.

May mga haka-haka na ang posibleng nag-trigger kay Jeon So Mi na umalis sa agency ay ang diumano’y tila kawalan ng plano ng JYP sa kanya.

Nag-announce kasi ang JYP na may bagong girl group na magde-debut. Pero may tsika na hindi pa rin daw kasama si So Mi bilang miyembro.

Sa mga hindi nakakaalam si So Mi ang naging representative ng JYP Entertainment sa unang season ng Produce 101 (nasa ikatlong season na ngayon, ang Produce 48) ng Mnet noong 2016, a reality girl group survival show. Ang 11 winners ay nag-debut sa all girl group na 101, though after their contract, all the members went back to their original agency. At si So Mi nga sa JYP.

Sa lahat, si So Mi ang nag-Top 1 among the girls at isa rin sa may maraming fan.

Pagkatapos ng announcement, walang ibinigay na paliwanag ang JYP kung ano talaga ang nangyari at bakit na-terminate ang kontrata ni So Mi.

Mas lalong nagkaroon ng intriga sa totoong dahilan nang mag-like si So Mi sa ilang post ng mga fan na hindi pabor sa JYP.

Ilan sa ni-like ni So Mi na mga comment, “Love you, So Mi. It doesn’t matter where you shine!! Because you will succeed wherever you are!!”

Gayundin ang comment na, “My past 1-pick So Mi, I will support you no matter where you debut. You will do everything well, wherever!! (Can’t imagine) how much you must have longed for a re-debut after IOI…overusing your image…I hate JYPE for not making you debut, whether as a solo or a group.”

Dahil sa pagla-like na ito ni So Mi sa mga ganitong comment, hindi maiwasang mag-isip ng mga fan na hindi in good faith ang naging hiwalayan ng singer at ng agency.

Kung hindi nagsasalita ang JYP sa totoong dahilan, wala rin namang sinasabi si So Mi. Sa halip, nag-post na lang ito ng pasasalamat sa kanyang Instagram account sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya.

Ang naging post ni So Mi, “The darkest nights produce the brightest stars. You guys are my everything. Love you lotsss. MISS U.”

Si So Mi ay half-Canadian, half-Korean. 17 years old pa lamang. Ang tatay ni So Mi, ang Canadian na si Matthew Douma ang nagbigay ng statement tungkol sa naging parting ways ng anak at JYP Entertainment.

Kung pagbabasehan ang nilabas nitong statement, puwedeng isipin na maayos naman ang pag-alis nila.

Sa interview nito sa Ilagan Sports, sinabi niyang present ang buong pamilya sa naging meeting regarding termination of contract.

At aniya, “Well shook hands and hugged with the employee at the company. We went as a family, and we even had ice cream with So Mi’s manager. We decided to support each other.”

Anyway, pretty, talented at bata pa si Jeon So Mi kaya siguradong marami pang bagong opportunity na naghihintay rito even outside JYP Entertainment.