Abante Tonite
Mabilis sa Balita

So nasa tuktok ng Superbet

0 179

Nakipaghatian ng puntos si super Grandmaster Wesley So kay GM Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan sa simula ng Superbet Chess Classic ng Grand Chess Tour sa Bucharest, Romania kahapon.

Tangan ang itim na piyesa, pumayag makipag draw game si Cavite-born So matapos ang 46 moves ng Queen’s Gambit Accepted, (QGA).

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Tabla lahat ng laro kaya pare-pareho ang puntos ng 10 kalahok sa opening-round sa 10-day chessfest na aabutin pa ng June 14.

Ang laban nina So at Mamedyarov ang pangalawa sa pinakamatagal na natapos sa Tour na may five legs at tatagal hanggang Agosto. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.