Abante Tonite
Mabilis sa Balita

So palaban sa titulo

0 80

May tsansa pa si dating Philippine player Grandmaster Wesley So para madepensahan ang 2021 US Chess Championship sa Saint Louis Chess Club sa Missouri nang makatabla pa rin sa three-way sa liderato sa 10th at penultimate round Linggo (Lunes sa Manila).

Sinungkit ng 28-year-old Bacoor, Cavite-born ang pangatlong sunod na draw laban kay Samuel Sevian sa 30-move Queen Pawn London System para sa kipkip na 6.0 points at kapitan ang tuktok ng 11-round chessfest.

Kapuntos niya sina Sevian at Fabiano Caruana na pinisak ang si Aleksandr Lenderman sa 59 moves ng isang Queen’s Pawn Game.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaya lalagare ang tatlo sa last round sa rambulan para sa korona kung saan toka si So kay Ray Robson, si Sevian kay Daniel Naroditsky at si Caruana kay Sam Shankland.

May two wins, eight draws at no loss si So. Wagi kina Dariusz Swiercz second round at John Burke sa seventh round. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.