Abante Tonite
Mabilis sa Balita

So pang-4 sa Finals

0 71

Olats si Grandmaster Wesley So ng USA sa nagkampeong si Magnus Carlsen ng Norway, 2.5-0.5, sa ninth and final round upang pumang-apat sa virtual Meltwater Champions Chess Tour Grand Finals Lunes (Martes sa Manila).

Pumuwersa ng draw ang Bacoor, Cavite native woodpusher sa reigning world champion sa second game, pero muling tumaob sa third match gaya sa opening upang makatipon ng 23.5 points.

SM food to go Banner Ad

May 31.5 markers ang Norwegian na sinigurado na ang kanyang trono sa round seven pa lang dahil sa maagang pinosteng malaking kalamangan kasama ang 16.5 sa mga nakaraang leg ng 10-monthlong chessfest.

2-3 sina Azerbaijani Teimour Radjabov (27.0) at Armenian Levon Aronian (24.0) sa finale na tinampok na lan gang 10-player mula sa 16 nang mga nakalipas na leg. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.