Abante Tonite
Mabilis sa Balita

So pasok sa Euro chess quarters

0 216

Swak si super Grandmaster Wesley So sa quarterfinals ng Opera Euro Rapid, Meltwater Champions Chess Tour, Lunes ng gabi.

Nasigurado ng 27-year-old Philippine-born US woodpusher ang pagsampa sa Last 8 nang top 3 sa preliminaries sa pakikipaghatian ng puntos sa huling limang round ng nine-day event na sinimulan noong February 6 at matatapos sa Valentines Day.

Kasalo ni reigning world Fischer Random at United States champion na si So sa second place matapos ang 10 rounds, bago nakipagkasundo ng draw kina Russian Ian Nepomniachtchi, American Hikaru Nakamura, Indian Santosh Gujrathi Vidit, Azerbaijani Teimour Radjabov at world No. 3 Ding Liren ng China upang ilista ang nine point at masolo ang third place.

Parehong 9.5 pointers sina reigning world champion Magnus Carlsen at Dutch GM Anish Giri, pero nakopo ng Norwegian GM ang top seeding pagkapatupad ng tiebreak.

Makakaharap ni former Philippine chess star So si GM Jan-Krzysztof Duda ng Poland na lumanding sa No. 6 sa nilikom na walong puntos.

Pangatlong sunond na quarters appearance ng Imus, Cavite native sa gayung daming yugto makaraang maghari sa opening leg ng Skillings Open noong December.

Ang ibang quarterfinalists ay sina Armenian GM Levon Aronian (8.5 points), GM Maxime Vachier-Lagrave ng France (8.5), Radjabov (8) at Russian Daniil Dubov (7.5) na inangkin ang eighth at last spot. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.