Abante Tonite Interactive

So what? Anong problema? – Arjo ‘Dyowa’ ni Maine bading?

0 658

Ni Ronaline Avecilla

Hindi talaga tinitigilan ng mga netizen ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde. Nagsimula kasi ito nang ma-link siya sa phenomenal Kapuso actress na si Maine Mendoza.

Bagama’t aminado na sila sa kanilang “exclusively dating” status ay hindi pa rin sila tinatantanan ng intriga.

Abante Hiring – IT dep

Matapang ang pagsagot ng aktor sa mga isyu lalo na at hindi siya pinagsasawaan ng mga basher. Patuloy siyang hinahanapan ng butas.

Sa Instagram kasi ay game na game na nag-post ang aktor ng “Ask Me a Question” sa kanyang story.

Kaya isang unknown netizen ang lakas loob na nagtanong.

“Totoong bakla ka daw? Just asking lang po. Hehehehe,” kuwestyon ng netizen.

Diretsahan naman itong sinagot ng aktor at ibinahagi rin niya sa kanyang Instagram story.

Aniya, “Hahahahahaha hindi ako bakla but if ever I was? SO WHAT? Anong problema?”

Pinuri naman ng mga netizen ang aktor sa kanyang sagot.

@YunnaKim, “Good answer arjo.”

@ReymondDaguinoitas, “Di ko lng alam sa mga tao kung san nila namana ung genes nila sa pagiging makikitid ang utak. Kung wala na talaga magawa sa buhay, bigti na lng para di na makapangialam pa sa iba. Ambabaw o ambobo ng tanong sa iba. Tatanong na lng di pa ung tanong na mahirap sagutin.”

@HelenGardenia, “good answer arjo, wag mo ng pansinin yang mga ganyang klaseng tao. mga bully yan.”