Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sobejana inalerto Maguindanao sa banta ng BIFF

0 265

Hinimok ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Cirilito Sobejana ang mga residente at opisyal sa Maguindanao na mas maging mapagbantay matapos ang naganap na pag-atake ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Datu Paglas noong Sabado.

Tiniyak din ni Sobejana na kahit maayos na ang sitwasyon ay hindi titigil ang AFP hangga’t hindi natatapos ang banta ng karahasan mula sa BIFF.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Let us continue to engage local government authorities, stakeholders, and civilians to ensure that peace and security in Datu Paglas and its neighboring towns are preserved,” sabi ni Sobejana sa isang pahayag nitong Linggo.

Matatandaang pinasok ng BIFF, sa pangunguna ni Mohiden Animbang alyas ‘Karialan’ ang bayan ng Datu Paglas noong Sabado nang umaga. Subalit umatras ang grupo ni Animbang nang maglunsad ng opensiba ang militar laban sa kanila. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.