Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sobejana papalit kay Gapay

0 72

Kinumpirma ng Malacañang ang appointment ni Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana bilang susunod na chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Papalitan ni Sobejana si AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay na nakatakdang magretiro sa Pebrero.

Basahin: Utol ni Pacquiao inupong deputy speaker

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kumpiyansa ang Malacañang na ipagpapatuloy ni Sobejana ang nasimulang modernisasyon ng AFP.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umaasa aniya ang Malacañang na magpapatupad ng mga reporma ang bagong AFP chief bilang bahagi ng pagsusulong ng propesyonalismo sa hanay ng hukbong sandatahan at mapanatili ang pagiging tagapagtanggol sa sambayanang Pilipino at sa estado.

Basahin: Bato: Bakit bawal pulis, militar sa UP?

Si Sobejana ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Hinirang” Class of 1987. Ginawaran siya ng Medal of Valor matapos pamunuan ang mga tropa ng pamahalaan laban sa Abu Sayyaf noong 1995. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Basahin: Duterte kabado sa natsuging 4 San Beda classmate

Leave A Reply

Your email address will not be published.