Abante Tonite Interactive

Sobrang L kahit may asawa na

867

Dra. Margarita Holmes

Dear Dra Holmes:
Hello po Dra. Margarita Holme­s tanong ko lang po kung ibig sabihin sobrang libog po ako. bakit hanggang ngayon ay malibog pa rin ako kahit na may asawa na ko? kasi po hanggang ngayon ay nagmamasturbate pa po ako sa edad kung 52 hinde po ba nakakasama sa aking kalusugan ito maraming salamat po – Roel

Dear Roel:

Maraming Salamat sa sulat mo. Ang mapag-usapan lang natin ngayon ay medyo “philosophical” and dating dahil sino ang makakasabi kung “sobra”? Kasi sobra ibig sabihin excess, too much, o masyadong marami. Pero, ang maging malibog at 52 ay mabutingkatangian, ibig sabihin ay may sigla at energy ka pa!!

Siyempre, kung ang sigla at energy mo ay nakatuon (focus) sa mga babaeng sobrang bata sa iyo o sa mga pamangkin mo, atbp, hindi ito kanais-nais. At, kung mayroon ka pang ginagawa (at hindi lang nagfa-fantasize ) tungkol sa pagnanasa mong ganito, kailangang tigilan ito.

Pero kung ang libog mo ay nakatuon (focus) sa iyong asawa at sa pagma-masturbate, ok na ok ito. Hindi ito makakasama sa iyong kalusugan. Ayon sa mga pananaliksik, dearest Roel, makaka-masturbate ang isang tao kahit 3, 4 oras sa isang araw at, basta lang nakakatrabaho pa siya at hindi niya nakakalimutan ang kaniyang mahal sa buhay, ok ito. Oras, Roel, hindi beses o minute. Ngayon, kung ang iyong pagma-masturbate ay mas marami pa diyan, sulatan mo ako at puwede na­ting mas pag-usapan ang problema mo, ok?

In the meantime, basta masaya ang asawa mo sa inyong relasyon—kasama na rin diyan ang relasyong emosyonal, sikolohikal at pisikal—huwag kang mag-alala.
At kapag ang iyong pagma-masturbate ay nasa tamang lugar—hindi ka
nagpapakita sa ibang tao (except, siguro sa misis mo kung ok sa kanya) kapag ginagawa mo ito, ok na ok ka. Palagay ko, marami pa ngang maiinggit sa iyo!! Ingat—MG Holmes

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa TONITE tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.