Abante Tonite Interactive

Sobrang Liwanag

133

Napadaan na ba kayo sa EDSA malapit sa Guadalupe bridge sa gabi at malakas ang ulan?

Mas malamang kesa hindi na nakita na ninyo ang LED wall advertisement sa lugar na iyon  na sobrang liwanag. Masakit sa mata ang liwanag nito — nakakabulag at talaga namang mapapapikit ka kapag dumaan ka.

Tama pa ba ang ganitong uri ng outdoor advertising?

Naitanong ko ito dahil madami na akong natanggap na reklamo tungkol sa LED wall na ito. Lalo nang mas masakit ito sa mata kapag umuulan dahil ang liwanag ay nagre-reflect pa sa tubig na bumubuhos sa windshield ng kotse mo.

Wala pa naman akong nabalitaan na naaksidente dahil sa sobrang liwanag na LED wall na ito. Pero hihintayin pa ba natin na magkaroon ng aksidente dahil dito bago tayo kumilos?
Nagtatanong lang po.

* * * *

Umpisa na ng “ber” months, at siyempre, umpisa na rin ng pagpapatugtog ng mga kantang pamasko sa radyo at sa mga shopping malls.

Pag papalapit ang Pasko, asahan na ang higi­t pang pagsikip ng daloy ng trapiko.

Kaya naman pinapayo ko na mag-umpisa na kayo ng inyong Christmas shopping ngayon pa lang. Madaming mura sa Divisoria at masarap magpunta doon ngayo­n dahil lumuwag na ang daloy ng mga sasak­yan. Huwag na lang sana kayo makipagsabayan sa Christmas rush.

Sa bahay namin, nag-i-schedule kami ng Christmas shopping sa kalagitnaan o mga hu­ling linggo ng September. Bukod kasi sa konti pa lang ang tao sa mga malls, marami pang mga naka-sale. Pinag-iipunan namin ang panahon na ito. At alam ng aming mga anak na September pa lang ay bibili na sila ng pamasko.

Makakaiwas tayo sa trapiko kung maaga ta­yong magplano.

* * * *

Email: junep.ocampo@gmail.com