Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sobrang love si Ruru: Bianca iniwan relihiyon

0 550

ROMMEL PLACENTE: Miyembro na rin ng Iglesia Ni Cristo si Bianca Umali gaya ng kanyang boyfriend na si Ruru Madrid.

Yes,mga ka-Cuatros,nagpalit ng kanyang relihiyon ang dalaga Bininyagan siya sa Iglesia Ni Cristo, Lokal ng Las Piñas, noong December 23, 2020.

O di ba, dahil sa sobrang pagmamahal ni Bianca kay Ruru kaya nagawa niyang magpalit ng relihiyon? Siyempre proud si actor na magkapatid na sila sa pananampalataya ng girlfriend niyang si Bianca.Hindi naman sa against ako sa naging desisyon ni Bianca,mga ka-Cuatros na sumanib siya sa INC.Ang sa akin lang,what if umabot sa puntong naghiwalay din sila ni Ruru,na nagkanya-kanya na rin sila ng landas? Hindi naman sa gusto kong mangyari ‘yun. Gusto kong magtagal.ang kanilang relasyon at mauwi na sa kasalan.Ang sa akin nga lang,what if nag-break sila? Baka magsisi lang si Bianca sa ginawa niya.

Natatandaan ninyo ba mga ka-Cuatros,nu’ng naging magkarelasyon sina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto, ay nagpa-tattoo si Claudine ng Fernandez sa kanyang right ankle,samantalang sa left ankle naman ni Mark,ay pina-tattoo niya ang Baretto.Pero nu’ng naghiwalay sila, ay kapwa nila pinabura ang kanilang mga tattoo. Kaya para sa akin, in my own personal.opinion, hindi na dapat tinalikdan ni Bianca ang kanyang relihiyon.

MILDRED BACUD :When it comes to religion ay nirerespeto nating lahat ang paniniwala ng isang tao. Ang pagpapa-convert ni Bianca sa INC ay nangangahulugan lamang ng sobrang pagmamahal niya kay Ruru na kaya niyang i-give up ang nakagisnang relihiyon alang-alang sa relasyon nila. Pero tama ka friend Rommel, paano nga kung naghiwalay? Nangyari ito sa aktres na si Janice de Belen na may karelasyon no’n na isang Kapatid pero nang maghiwalay ay hindi na rin umano naging aktibo sa pagiging Iglesia. Iba naman ang kaso ni Kathryn Bernardo na dating INC pero hindi na rin aktibo ngayon. Siya ang sumunod sa bf na si Daniel Padilla. Going back to Bianca, hindi rin naman natin alam ang tinatakbo ng utak niya. I’m sure ang pagpapa-convert niya ay pinag-isipan niyang mabuti. Ito siguro ang paraan niya para ipakita kay Ruru kung gaano niya ito kamahal. ‘Yun bang kaya niyang gawing baguhin ang paniniwala sa relihiyon.

RODEL FERNANDO: Mahiwaga talaga ang pag-ibig.Magpaparamdam ito sa ibat-ibang anyo at paraan. Sabi nga ay dahil sa sobrang pagmamahal ni Bianca kay Ruru ay kinailangan niyang magpa-convert sa Iglesia ni Cristo.

Pero may nasagap akong tsika na noong simula ng kanilang relasyon ay puwedeng ito ang dahilan. Na sa labis na pag-ibig ng dalaga sa binata ay kinailangan niyang magpalit ng relihiyon. Kaya lang daw nu’ng kinalaunan na ay nanaig na ang faith ni Bianca. Sa maraming beses daw niyang pagdalo sa gawaing pangrelihiyon sa Iglesia ni Cristo kasama na rito ang pagsamba ay namulat daw ang kaniyang pag-iisip kaya nagpasya na siyang yakapin ang naabing relihiyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sana nga ay hindi lamang ang relasyon nina Bianca at Ruru ang tumagal. Maging ang bagong pananampalataya ng aktres ay maging forever din para lalo pang tumibay ang kanilang pagsasama. Iba pa rin kasi ang nakasentro ang Diyos sa bawat bagay na ginagawa lalo na’t magkapareho na ang kanilang paniniwalang ispiritwal.

ROLDAN CASTRO: Nasabi niyo na ang punto na dapat sabihin mga Ka-Cuatros.

Ang point ko lang, hayaan na si Bianca kung ano ang gusto niyang relihiyon.

Ang mahalaga naman, iisa ang paniniwala natin na may Diyos na laging gumagabay at nagmamahal sa atin.

Wish ko lang na forever na ang relasyong Ruru at Bianca dahil marami rin silang pinagdaanan sa kanilang relasyon. Ipinaglaban nila ito kaya very much on pa rin sila.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.