Abante Tonite Interactive

Sobrang puyat, kulang sa pahinga nakakalagas ng buhok

260

Ang laging pagpupuyat at sobrang pagkapagod ay isa sa mga panguna­hing dahilan sa paglalagas ng buhok. Upang mapangalagaan ito, balik-normal at muling tumubo ay iwasang ma-stress, laging mapagod at ugaliing matulog ng 6-8 hours kada araw.

Bukod sa stress, may bad effect din ang mga kemikal na inilala­lagay sa buhok. Limitahan ang paggamit ng hair color, wax o relax treatment, rebond at iba pa dahil ang mga kemikal na ito ay nakaka-damage ng buhok.

Iwasang magbabad sa sikat ng araw. Nakakatuyot ng buhok, naka­kabuhaghag at nagiging weak ang strands nito kapag laging nabibilad sa sikat ng araw.

Ugaliing mag-vitamins na may taglay na iron upang makaiwas sa anemia. Madaling kapitan ng sakit na anemia ang mga taong kulang sa iron, na siya minsang dahilan ng paglalagas ng buhok.

Kumain ng balanse at wasto. Mainam na pampatibay ng hibla at pampadulas ng buhok ang gulay at prutas. Bukod dito ay mayaman din sa protina ang isda, itlog, leafy green nuts o tofu. ­