Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sobrang singil ng Meralco ire-refund – ERC

0 239

Ibabalik ng Manila Electric Corporation (Meralco) sa kanilang consumers ang sobrang siningil sa electric bill sa panahon ng community quarantine.

Ito ang inihayag ni Commissioner Agnes Devanadera, Chairperson ng Energy Regulatory Commission sa kanyang pagharap sa Laging Handa press briefing nitong Martes.

Sinabi ni Devanadera na tiniyak sa kanya ni Meralco President Atty. Rey Espinosa na ginagawa na nila ang corrective measures at nagko-compute na ang kanyang mga tauhan para mai-refund ang sobrang naibayad ng kanilang consumers.

“Ang sabi ni Atty. Rey Espinosa gagawin nila yung corrective measures at ire-refund nila yung sobrang nagbayad. Ngayon pa lang ay nagko-compute na sila,” ani Devanadera.

Ayon kay Devanadera, naglabas na ng utos ang kanyang tanggapan kaugnay sa gagawing installment na pagbabayad para sa nakunsumong kuryente noong panahon ng enhanced community quarantine, partikular sa mga buwan ng Marso, Abril at Mayo.

Ayon sa opisyal, anim na installment ang gagawing pagbabayad para sa mga kumukunsumo ng 200 kilowatt per hour.

“Kapag 200 kilowatt per hour ang nakukunsumo, dapat ito ay babayaran in six equal monthly installments, ang unang bayaran ay papatak ng June 15,” dagdag ni Devanadera.

Para naman sa ibang distribution facilties na hindi magre-refund, sinabi ni Devanadera na pananagutin ang mga ito ng ERC. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.