Abante Tonite Interactive

Soccer game larga na uli

0 181

NAKABALIK na ang professional soccer sa Germany, sumipa ang laro sa bakanteng stadium.

At wala na ang mga group hug o high five sa field.

Kapag may nakakaiskor o may magandang play, ang bagong normal na selebrasyon ay fist bump na.

Si South Korea midfielder Lee Jae-sung ang umiskor ng first goal sa second division nang itulak sa lead ang Holstein Kiel sa Jahn Regensburg.

Nag-celebrate si Lee at mga kakampi sa pamamagitan ng fist bump.

March 13 nang itigil ang soccer doon dahil sa coronavirus pandemic.

Ang ibang player, bungguan ng siko naman ang selebrasyon.

Mahigpit din ang hygiene measure.

Binilinan ang players na kontrolin ang emosyon, bawal dumura (karaniwang nakikita sa soccer), bawal ang handshake at hugging.

Ang player at team staff na hindi pa naglalaro ay naka-mask. Ang mga substitute ay papasok mula sa stand, hindi sa gilid ng field tulad ng nakagawian.

Closed door ang mga laro at limitado ang contact, pero kahit paano ay gumugulong na ang bola.

Tonite – Wendys Inhouse Ad