Abante Tonite Interactive

Social media ang sinisi

By
7

Itinanggi ng isang opis­yal ng Malacañang ang naging pahayag ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na hindi organi­sado ang gabinete ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kaya hindi nakakakilos ang mga ito nang sama-sama sa halip ay napupuntirya lamang umano sila ng social media.

“Well, we respect the sentiments of former President Ramos. And just to maybe put some contextualization, the time when President (Fidel) Ramos was president and the time when President Duterte is president, are, you know, gene­rations or decades apart,” paliwanag ni Presidential Communications Assistant Secretary Kris Ablan sa press briefing kahapon.

Nilinaw din ni Ablan na 20 years ago ay walang social media.

“And so what may be glaring to all of us today might not have been that glaring few decades ago. So just to put things in context,” pahayag pa ni Ablan.

Gayunman, binigyang-diin ni Ablan na sila sa gabinete ay ginagawa ang lahat na makapaghatid ng public services bilang tugon sa mga ipinangako ni Pa­ngulong Duterte noong panahon ng kampanya.