Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Social media artist Drei Arias game sa hubaran

0 80

Mas painitin pa natin ang tag init sa ating mainit na mainit na chika ngayon araw and for sure mag-iinit rin ang mga netizen at ang mga chismosa natin kapitbahay dahil hindi lang basta ready bagkus ay game na game sa hubaran ang social media artist na si Drei Arias.

Nitong nakaraang Linggo nga lamang ay naging panauhin ng inyong lingkod ang social media artist/actor na si Drei Arias sa programang Aba Trending na napapanood sa Abante Radyo Tabloidista FB Page.

Aming tinalakay kung paano nga ba nagsimula si Drei na tuparin ang kanyang mga pangarap at kwento nga niya nagsimula siya sa pagmomodelo noong siya ay estudyante pa lamang at nang mapasok niya ang pageant industry dito na nag tuloy-tuloy na siya ay mas makilala pa.

Mula sa mga baranggay contest to national competition, hindi lang yan dahil umabot din siya sa international pageant at nakapag bigay lang naman ng karangalan sa bansa at naiuwi ni Drei ang korona bilang Mr. Culture World Ambassador na idinaos pa sa bansang Vietnam noong taong 2019.

Dahil na rin sa pandemya isa rin sa higit na naapektuhan ang industriya ng pageantry kaya naman dito na naisipan ni Drei na pasukin na rin ang social media at kanyang napili ang pagti-TikTok dito niya napatunayan na kahit saan larangan siya mapunta ay hindi mawawala ang kanyang mga taga suporta.

Maraming blessing ang dumating kay Drei mula nang siya ay mas makakilala dahil sa social media kaya naman iba’t-ibang mga proyekto ang inialok sa kanya kabilang na nga ang Don Filipo na ipinalabas sa Cinemalaya Movie Festival, bukod pa riyan ay gumawa rin siya ng dalawang BL series under Star Image production na ipinalabas naman sa kanilang youtube channel.

Kaya sa aking panayam kay Drei naitanong ko na rin kung sakaling may mag alok sa kanya ng isang project ay payag ba itong mag pakita ng kanyang nota at ang kanyang sagot:

“Kung papanoorin po ninyo yung Don Filipino na ginawa ko for Cinemalaya nag all-out ako dun. So kung may offer kaya ko naman magpakita ulit ng harapan basta kailangan sa pelikula” humahalakhak na pahayag ni Drei.

Kakaiba talaga ang lakas ng loob ni Drei walang arte at kayang gawin ang lahat para lang sa ika gaganda ng pelikula so lagay eh si Drei na nga ba ang Christian Vasquez ng bagong henerasyon? Well…..

Samantala kaabang-abang naman ang bagong pelikula ni Drei ang “Bingwit” na idinerehe ni Buboy Tan another sexy at hot na hot na pelikula na naman ito kaya tiyak na mananakit na naman ang ating mga puson.

Sa ngayon ay wala pang official date kung kalian ang showing ng Bingwit I follow niyo nalang si Drei sa kanyang mga social media for more updates.

Leave A Reply

Your email address will not be published.