Abante Tonite Interactive

Social pension dodoblehin

By
803

Isinusulong ni Senador Sonny Angara ang pagpapasa ng panukala na naglalayong doblehin ang social pension at palawakin ang saklaw nito upang maisama ang lahat ng mahihirap na senior citizen.

Nais ni Angara na mula P500 ay gawing P1,000 ang social pension.

“Isang napakalungkot na katotohanan na marami pa rin sa ating mga lolo at lola ang hindi nakatatanggap ng social pension mula sa gobyerno. We must ensure that every Filipino senior citizen receives this well-deserved benefit that will help them meet their daily needs,” saad ni Angara.

Sa datos aniya mula sa Coalition of Services of the Elderly (COSE), 33% lamang o katumbas ng 2.9 milyon ng may 8.7 mil­yong matatanda ang sakop ng contributory pension tulad ng Social Security System, Government Social Insu­rance System, at iba pang pension systems.

Sa 5.8 milyong senior citizens na walang contributory pension, nasa 3.4 milyon ang sakop ng Social Pension Program para sa Indigent Senior Citizens ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Upang mapasama sa social pension program ng DSWD at mabigyan ng P500 kada buwan, ang senior citizen ay dapat na walang pensyon mula sa state-run pension agencies; at walang permanent source of income o financial support sa pa­milya bukod pa sa dapat ay may iniindang sakit.

Dahil dito, 2.4 mil­yong senior citizen ang walang pension.

Sa Senate Bill 1865, nais ni Angara na tanggalin ang “frail, sickly or with disability” na requirement.