Abante Tonite Interactive

Social Welfare Attaché Bill pinamamadali sa Senado

By
64

Pinapamadali ni Senador Joel Villanueva sa Senado ang panukalang maglalagay ng permanenteng Social Welfare Attaché para sa mga Philippine foreign post upang maiwasan na ang anumang pang-aabuso at pangmamaltrato sa mga overseas Filipino wor­ker (OFW).

Ito ay kaugnay ng pagligtas sa 22 OFW mula sa hindi katanggap-tanggap na pamumuhay at hanapbuhay sa Denmark.

Ang mga nailigtas na OFW ay ang mga dri­ver ng truck na naunang nailigtas ng Danish police sa isang raid.

Si Villanueva ang may-akda ng Senate Bill 1819 o Social Welfare Attaché Bill na hanggang sa ngayon ay na­kabinbin pa rin sa Senado.
Aniya, isa ang in

sidenteng ito upang kila­lanin na ng Senado ang pagpasa ng mga batas na nakatuon sa kapa­kanan ng Pinoy OFW.

“Kapag may permanenteng Social Welfare Attachés sa ating mga Philippine foreign posts, maiibsan natin ang mga kaso ng pang-aabuso at pagmamaltrato sa ating mga kababayan,” sabi ni Villanueva.