Abante Tonite Interactive

Socialized housing project palalawigin ng PBB

237

Iginiit kahapon ng Partido ng Bayan Ang Bida (PBB) Partylist na dapat dagdagan ng gobyerno ang pagtatayo ng mga pabahay na abot-kaya ng mga ordinaryong Pilipino.

Ito ang binigyang-diin ni PBB Partylist nomi­nee Atty. Imelda Cruz, na nais pang palawakin ang mga itinatayong socialized housing project ng pamahalaan na para sa mahihirap na Pilipino.

Wika pa ng PBB nominee, ang pangunahing adhikain ng kanilang partylist ay maisulong sa Kongreso ang pagpapadali at abot-kayang pabahay sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsusulong nito sa Kongreso.

Abante Hiring – IT dep

“Layunin ng PBB Party List na mapadali at maging mas abot-kaya ang pabahay para sa mga ordinaryong Pilipino. Samahan ninyo ako, si Atty. Imelda Cruz, sa paglalapit sa pamahalaan ng panga­rap ng mga pursigudo nating mga kababa­yan! Suportahan ang PBB, ang housemate natin sa Kongreso,” giit pa ng PBB partylist.

Anila, ang nais ng PBB Partylist ay mapalawak pa ang mga pabahay ng gobyerno sa kasaluku­yan na ipinatayo ni Pangulong Duterte na hindi lamang sa mga sundalo at pulis kundi maging sa ordinaryong mamamayan.

Idinagdag pa ng PBB Partylist, nais nilang ma­ging kinatawan ng ordinaryong Pilipino na nais ay magkaroon ng sariling bahay.

“And that is the goal of PBB Partylist to be the voice in Congress,” wika pa ng PBB Partylist.