Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SoCot binaha, state of calamity dineklara

0 114

Isinailalim ang munisi­palidad ng Banga sa South Cotabato sa state of calamity kasunod ng pagbaha sa nasa­bing lugar.

Ayon sa report, nasa 11 barangay na nalubog sa baha bunsod ng Tropical Depression Dante noong nakaraang bu­wan ang muling binaha dahil sa patuloy na pag-ulan.

Kabilang sa mga binaha ang ilang mga taniman ng saging at mais. Ilang bahay naman ang nasira dahil sa nagbag­sakang mga puno.

Bukod sa Banga, binaha rin ang ilang lugar sa bayan ng Tulunan sa Cotabato.

Tatlong purok naman sa Ba­rangay Poblacion ang umabot sa hanggang tuhod ang baha.

Sabi ng Pagasa, patuloy na makararanas ng maulap na papawirin na may isolated thunderstorms ang nasabing lugar. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.