Abante Tonite Interactive

Sofa, ref, gulong inanod ni ‘Tisoy’

322

Nakakolekta ng mga sofa, refrigirator, gulong at mga basura na kasamang inanod ng baha sa kasagsagan ng bagyong ‘Tisoy’ sa pinakamala­king pumpin­g station ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) sa Vitas, Tondo, Maynila.

Nabatid na uma­bot sa may 304 cubic meters ng basura ang nakuha sa dalawang drainage systems sa Maynila.

Habang nakakolekta naman ang MMDA ng walong truckload ng basura mula sa walong pumping stations at patuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan sa pangongolekta ng basura.

Hindi lamang sa mga waterways nakakolekta ng basura ang MMDA kundi ma­ging sa Aurora Blvd. ay may mga basura rin na inanod dahil sa bagyo.

Kung naging ma­lakas umano ang bagyong ‘Tisoy’ sa Metro Manila, malamang na bumalik sa mga tao sa may 579 barangay ang kanilang mga basura.
Sinabi ng MMDA, 80% ng solid waste na nakolekta sa drainage system ay nanggaling sa mga informal settlers.

Sanhi nito, nanawagan ang MMDA sa informal settlers at mga local Government Unit na magkaroon ng koordinasyon para sa koleksiyon ng mga basura. (Juliet de Loza-Cudia)