Abante Tonite Interactive

Sofia Andres bumibilog ang tiyan

1,318

Kung tama ang aking pagto-throwback, si Gretchen Barretto, noong pumutok ang chika na buntis sa kanyang business tycoon partner, ang natatandaan kong suot-suot niyang outfit eh isang oversized jumper. Magandang-maganda at fresh na fresh ang aura ni La Barretto nu’n at dahil nga talagang she loves being in front of the camera at mapag-usapan, she tried her best to conceal her baby bump wearing that not so flattering jumper.

Ang mommy dearest naman ni Diego Loyzaga, si Teresa, noong pinagbubuntis niya pa ang kanyang first born, kung tumpak muli ang pag-alala ko, lumipad sa Land Down Under para doon mag-give birth kasi nga, maganda ang health care at social service provisions nila para sa mga kababaihan.

Ngayon, may isang netizen na may nasaliksik na larawan ni Sofia Andres na ang accessory sa kanyang outfit ay isang oversized jacket at parang hindi your usual “busog” at “bundat” lang sa foods ang kanyang belly at nasa Australia rin pala siya kaya the netizen cannot help but wonder, buntis nga ba si Bb. Andres?

Nasa hulog ba ang obserbasyon mula sa netizen o sadyang malikot lamang ang kanyang imahinasyon? Sino kaya ang makakasagot sa pangmalakasang tanong? O mas hayaan na lang natin ang starlet na iyan ang bonggang-bonggang reaksyon para rito?