Abante Tonite Interactive

Sofia, Bailey pasok sa ‘You’ll Never Make It List’

980

Narito na ang part 2 kung sino ang walang karapatang magdabog ang bangs. Ito na ang taunang “You’ll Never Make It List!” Handa na ba kayo? Ang tanong, handa na ba sila? Hahaha!

1.Perkin Twins-Juice colored! Simula pa lang the WHO times two na agad. Ang savage! Hahahaha. Mga You Tube sensation diumano itong sina Jesse at Christian. Sangrekwa daw ang mga follower at liker sa mga bidyo nila kaya ang tanong, bakit major, major flop ang kanilang launching movie? First day, last day nga ba o first hour, last hour sa mga sinehan? Sila-sila lang ang may alam na pelikula silang itatago sa titulong “Kaibigan”? Ang mga tagasubaybay, walang purchasing powers? Pang-Piso Net lang ang afford? My gosh, kaya naman pala. Charot! Hahahaha! Dahil double whammy sila, nararapat na mauna sa roll call, alam na!

2.Althea Ablan-Ay, major, major the WHO! Siya raw ang little princess na doppelganger ni Darren Espanto. Diumano, ang afternoon prime drama nila eh alikabok nga ba ang pinapalamon sa katapat nilang programa? May ganiyang eme? Asan ang endorsement niya? Asan ang fan base? At higit sa lahat, asan siya? Kahit nga sa pabalat ng notebook, hindi mailagay ang kariktan niya, huh! Kung di pa sinabing kawangis niya si Espanto baka wala man lang naging mausisa kung sino siya. Kaya, welcome to the list.

3.Gab Lagman-Ang pinakabagong graduate with honors mula sa Machete School of Acting. Siya ay naging resident wooden actor sa isang top rating primetime drama na ang bida ay si Jericho Rosales. Pinkish pa naman ang kanyang lips, pati mga utong. Yung ulo that matters most, pinkish rin kaya? Halos ibuyangyang niya na ang lahat pero di na mabubura pa ang katotohanan na siya ay lalaking tuod.

4.Sofia Andres- Isa sa mga pangunahing poste sa mga artistang hindi pa nga sumisikat, laos na agad. Kung siya man ay nasa dako pa roon, walang may pakialam. Mas mabuti ngang bawas peste sa showbizlandia.

5.Bailey May-Matapos maging Now United member na hindi man lang naramdaman kung may kantang sumikat, at hindi ang gusto nilang ma-achieve na maging pop culture phenomenon ang kanilang grupo, anong nangyari kay Bailey? May nagtataka pa ba? May nagtatanong? May nalulungkot? Kahit pa nga image model siya of an on line shopping brand, tanggap na tanggap na siya ay finality the WHO kaya nga nasa listahan siya, noh!