Abante Tonite Interactive

Sofia hiwalay sa dyowa

450

Ang starlet of the highest order, strikes back and how? Iba rin ang mga payanig nitong si Sofia Andres, huh!

Kasalukuyang pinagpipistahan diumano ang hiwalayan nila ni car racer Daniel Miranda at para nga naman ipakita sa lahat na living well is her best revenge, may pa-bikini photo na binuyangyang ang starlet sa kanyang IG.

Sa photo, nakalublob ang dalagang minsan ay minahal ni Diego Loyzaga, k­ulay sky blue ang bikini top at kitang-kita ang hulma of her perky breasts.

Abante Hiring – IT dep

Ang larawan bang ito ang bago niyang payanig matapos niyang burahin ang mga coupling photo nila ni Daniel?

Kahit pa nga walang diretsang pag-amin si Sofia at Daniel, may mga “I love you” exchanges ang dalawa sa kanilang photo postings at hindi naman tayo naive at innocent para manalig na pang-platonic friendship ang mga eme at drama nila sa photos that they used to share.

Ngayong pinangangalandakan na niya ang kanyang sexy photo na bongga ang views at sharing, does it mean na nararamdaman na ang alindog at kariktan ni Andres?

Kung nararamdaman talaga ito, ano ang bago niyang TV show? May movie offer pa ba? Maski ba maging pabalat ng notebook, may gustong kumuha sa kanya? Bagay ba siya sa isang nilagang mani, patalastas? Sa pomelo gin bulag o papaya shake, pasok kaya siyang maging image model?

Si Loyzaga, matapos ang dark side episode, magbibida raw sa isang major, major film, ang “Utopia”. Ang kanyang last ka-close na si Daniel, dahil car racer ito, may chance na mag-vroom-vroom ito and will satisfy his need for speed para makalimot.

Ano na ang mangyayari kay Sofia now? As if naman may care ako ‘noh! Mas importante pa sa akin ang death by beaching ng sangrekwang dolphins sa Peru kesa sa state of her career at romansa. ‘Yun lang!

Nadine, Angelicapukpukan ang laban

Iba rin ang paandar ng SPEEd, ang namamahala sa 3rd Eddys (Entertainment Editors’ Choice). May pa-bidyo para ipahayag ang kanilang mga nominasyon. Panalo!

Sa kategoryang best supporting actress, ang wish ko na i-push nilang manalo ay si Max Collins para sa “Citizen Jake.” Ang katotohanan na pumasa siya sa pihikang panlasa ni direk Mike de Leon, hindi dapat balewalain. Sa true lang, ang iniwang espasyo ni Iza Calzado sa Kamunin­g Station, dapat siya na ngayon ang nakaupo.

Kung sakaling magka-quadruple tie sa kategor-yang ito, hindi na tayo dapat magtaka pa dahil nga triple tie last year, hindi ba naman?

Sa best supporting actor, sana kay Adrian Alandy, sa pelikulang muli ni Mike de Leon, mapunta ang kara-ngalan at tropeo. Sobrang underrated si Alandy at ang trophy mula sa Eddys ay tamang-tamang validation for his job as an actor na lagin­g well done ang pagganap.

Sa best actress, kahit pa nga wala namang bearing sa mga taga-Eddys ang bets ko, kung hindi kay Angelica Panganiban sa “Exes Baggage”, kay Nadine Lustre para sa “Never Not Love You” mapunta ang tropeo at pangangabog.
Sa best actor naman, I’m betting my hard earned pesos kay Dingdong Dantes para sa “Sid & Aya” o kaya si Christian Bables para sa “Signal Rock”.
Maganda ang composition ng mga nominated best films lalo na nga’t lima lang ang nasa kategorya – “Citizen Jake”, “Goyo: Ang Batang Heneral”, “L­iway”, “Rainbow’s Sunset” at “S­ignal Rock”.

Good luck, good health and God bless you sa lahat ng mga nominado at mananalo sa Eddys!