Abante Tonite Interactive

Sofia starlet forever

By
1,566

Ang kanyang katauhan, si Mayari, niyari na sa Bagani at ngayon, tila babangon ako at dudurugin ko ang mga kapwa ko Bagani ang magiging drama ni Sofia Andres, ang pa-kontrobersyal na starlet.

Ang katauhan ni Kristine Hermosa bilang Malaya, gagamitin niya si Mayari para maghasik ng kaguluhan sa Sansinukob at kagulumihanan sa iba pang mga Bagani.

Kaabang-abang o kahikab-hikab pa ang pangyayaring ito? Kaya binalik si Andres na super negatron ang imahe sa mga press ay dahil sa ‘mabait’ na ito at pumasa na sa ‘good manners and right conduct’ class? Hindi kaya siya pa ang dahilan para mayanig ang Bagani sa ratings?

Okay lang siyang ibalik kung major, major crowd attraction siya, ‘di ba? Bagani survived kahit wala ang katauhan niya.

Speaking of Hermosa, she is so ripe and devastatingly beautiful for a film comeback. Sa eksenang poot at suklam ang nagrereynang damdamin sa katauhan niya, kay husay-husay niya. Ang pagi­ging kontrabida pala ay babagay pala sa kanya. Hindi naman kataka-taka na nagagampanan niya si Malaya na very, very good dahil mahusay naman talaga siyang aktres.

Si Kristine ay buhay na patotoo na kapag magaling ka talagang aktres, laging bukas ang mga door at window sa show business.

Eh si Sofia Andres, anong klaseng patotoo siya? Ay, a starlet is forever siya noh! ‘Yun lang!

Akting ng KathNiel, LizQuen walang ilalaban sa JoshLia

On its second blockbuster week ang announcement sa telebisyon para sa ‘I Love You, Hater’. Ang diva that you love, pinanood ito sa Gateway. Hindi ko sure kung may legs ba talaga ang pelikula o kung sadyang malakas lang sa theater owners group ang pamunuan ng pelikula dahil sa 4:30 p.m. screening na aking pinanood, wala pa kaming tatlumpong nanood.

Maganda ang pelikula, sa totoo lang. Of course, hindi ito pang-Oscar best picture pero kung paano ipinakita ang kuwento nina Joshua Garcia bilang Joko at Julia Baretto bilang Zoey, interesting ang pagkakalahad. Pareho kasi silang underdog to begin with sa pelikula kaya kung paano nila napagtagumpayan ang kanilang mga hinaharap na isyu bilang Joko at Zoey, ang siyang dahilan kaya naging kahali-halina at mapapamahal sa iyo bilang manonood ang pelikula.

Pagdating sa pag-arte, hindi lang ipinakita, kundi ipinadama talaga nina Garcia at Baretto ang kanilang husay. Sinagpang talaga nila ang kanilang mga katauhan kaya ang kanilang mga alinlangan, ngiti, dalamhati, pagkahulog ang loob sa isa’t isa, mga problema at katotohanang kanilang hinarap, dalang-dala ka. Kasali at kasama ka sa mga issue nila. You cannot help but root for them.
Best scene ni Julia for me, ‘yung makita ang estranged father niya sa wedding of her sister na hindi siya kakilala. At ‘yung yakap-yakap siya ni Al Tantay, bilang si Zoey, damang-dama mo how much she misses a father’s embrace.

Si Joshua, pinaka-panalong scene niya ‘yung kasama niya ni Ronaldo Valdez, habang nagpapakilala siya kung sino talaga siya, kasama si Kris Aquino bilang Sasha. At ‘yung mga photo opportunity moment nila ni Zoey, na para siyang batang nagtatakbo at in all places, dumapa talaga sa may fountain area sa Sta. Cruz si Joko. Garcia as always did not disappoint.

Ang JoshLia na talaga ang pangalawang Star Cinem­a pairing na talagang ‘di lang marurunong, mahuhusay pang umarte. Puwedeng nerbiyusin ang JaDine sa kanila acting wise. Silang magkaparehas ang magka-match.

Walang ilalaban ang KathNiel at LizQuen kina JoshLia sa actin­g department. Ang dalawa ay laging playing for truth at emotionally committed sa kanilang mga katauhan. My favorite Kapamilya love team kasi nga magaling sila.

Ang ilan pa sa mga nagmarka ang mga performance ay sina Ronaldo Valdez at ang bading na mag-asawang sina Markki Stroem at Mark Neumann.

Worth every peso ang ‘I Love You, Hater’. Hindi mo siya ihi-hate ‘pag pinanood mo ito.